Silipin Ang Bᴀptism Ng Apo Ni Willie Revillᴀme

Baby Gido is now a Christian!

Isang malaking biyaya para sa pamilya ni Meryll Soriano at Joem Bascon ang pagdating ni Baby Gido sa kanilang buhay. At kabilang sa milestone ng pamilya ang Baptisim ni Baby Gido. Inulan din ng masayang pagbati mula sa mga kaibigan at pamilya ang mag-asawa.

Pinangunahan ni Father Roland mula sa Jesus, Lord of Divine Mercy Parish ang pagbabautismo kay Baby Gido. Nagbahagi din ang pamilya sa masayang celebration para sa napakaimportanteng milestone sa buhay ni Baby Gido. Naka all white ang couple pati na rin si Baby Gido na cute na cute sa kanyang outfit.

Simpleng pinagmamasdan ni Baby Gido ang kanyang paligid na parang bang alam nito ang solemnity ng panahon na iyon. Present naman sa baptism ang tita ni Meryll Soriano na si Maricel Soriano. Naroon din ang tito ni Meryll na ang aktor na si Mel Martinez. Silipin ang photos ng baptisim ni Baby Gido.

Cute na cute ang panganak na anak ni Joem Bascon at Meryl Soriano sa all-white outfit nito.

Dahan-dahang naglakad si Baby Gido sa araw ng kanyang Baptism.

Nakaalalay sina Meryll Soriano at Joem Bascon sa kanilang anak at sabay na ini-recite ang Renunciation of Sins.

Binuhusan ng tubig ng pari ang ibabaw ng ulo ni Baby Gido na parte ng ceremonya.

Opisyal nang Kristyano si Baby Gido. Ito ang picture ng pamilya kasama si Father Roland.

Present din ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa Christening ni Baby Gido.

Supportive ang lolo at lola ni Baby Gido na parents ni Joem Bascon.

Ito ang family photo kabilang ang kapatid ni Joem na si Jeff.

Ang pamilyang Sorian kabilang ang loved ones sa side ni Joem Bascon.

Nagpakuha din ng litrato ang ‘God Mothers’ ni Baby Gido na si Maricel Soriano at ang half-sister ni Meryll na si Kei Soriano.

Nagpakuha din ng litrato ang mga ninong ni Baby Gido.

Ito naman ang litrato na kumpleto ang ninong at ninang ni Baby Gido.

Hindi naman nagpahuli ang tito ni Meryll na si Mel Martinez.