Dennis Padilla Pigil Hininga Ang Kondisyon Matapos Magkaroon Ng Malubhang S4kit!

Taimtim na pagdarasal ang isa sa pinaka mabisang sandata ngayon sa paglaban sa C1VID-19 bukod sa bakuna at pag-inom ng iba't ibang uri n...

Taimtim na pagdarasal ang isa sa pinaka mabisang sandata ngayon sa paglaban sa C1VID-19 bukod sa bakuna at pag-inom ng iba’t ibang uri ng gamot. Yan ang paniniwala ng veteran comedian na si Dennis Padilla matapos tamaan ng naturang v1rus.

Ayon sa komedyante, dalawang linggo din siyang na-confined sa Capitol Medical Center sa Quezon City noong siya ay magpositibo sa C0VID-19.

Ani Dennis sa isang panayam sa DZRH,

“Noong 1st, 2nd, 3rd day, tinataas ko lang ‘yung kamay ko. Sabi ko, ‘Lord, hindi ko alam kung ito na ‘yon’.”

Dagdag pa niya, noong nakarating siya sa ospital ang palagi daw niyang ipinagdadasal ay pahabain pa ang kaniyang buhay para sa kapakanan na din ng kaniyang pamilya, lalo na para sa mga anak niya.

Pahayag ng komedyante,

“Sana mapagbigyan Mo pa ako ng isa pang pagkakataon kasi maliliit pa yung mga anak ko. Sana You can give me another chance for life.”

Kwento pa niya, palagi din siyang ipinagdadasal ng kaniyang mga pamilya, kabilang na diyan ang mga anak niya sa dating partner na si Marjorie Barretto, lalo na ang kaniyang anak na si Julia Barretto na palagi daw na tumatawag sa kaniya. Saad ng komedyante, marahil ang araw-araw na pakikipag-usap niya sa kaniyang mga anak ang isa sa mga nagbigay sa kaniya ng lakas para mapagtagumpayan ang s4kit na kinakaharap.

Saad ni Dennis,

“Halos every night ko sila nakakausap. She was telling me na all of them are praying hard for me.”

Dagdag pa niya,

“Ang paniwala ko, mukhang pinakamalakas na pakinggan ng Panginoon yung mga dasal ng mga anak ko. They were praying for their father. They were praying for my recovery. They were praying na mawala na lahat yung inf3ction ko sa lungs.”

Sa ngayon, naka-recover na si Dennis at isa na din siyang matatawag na C0VID-19 survivor.