Nakakagulat na halaga nǥ tip, natanggap nǥ isang Food Panda delivery rider

Naniniwala ka pa ba sa mga “good Samaritan”, kung hindi ay marahil ito na ang pangyayari na magkukumbinse sayon a talagang mayroon pa ring mga taong may mabubuting loob na handing magbigay ng tulong.

May ibang nagbibigay ng tulong dahil sa kapalit din na tulong. Subalit, nakakagulat ang babaeng ito na nagbigay ng napakamalaking halaga ng pera sa isang delivery rider ng Food Panda sa Ampang, Kuala Lumpur, Malaysia.

Kwento umano ng netizen na si Muhammad Faris Faizul sa kanyang Facebook, nagdeliver umano sya ng order sa lugar na iyon dahil mayroong babaeng nag-order. Napakalaking tip umano ang ibinigay sa kanya na sya mismo ay hindi makapaniwala sa laki ng halaga ng pera.

Dahil sa pandemya at sa pag-iiwas sa peligro, nagbigay lamang umano ang babaeng umorder sa delivery rider ng instructions na iwan lang sa lamesa sa labas ng bahay ng babae ang mga inorder nito.

“Brother, just come in through the gate later when you arrive and leave the meal on the white table. And then, lift up the plate that’s on the white table, there’s an envelope, do take it. Thank you,” ang sabi umano ng babae.

Sinunod naman ng lalaki ang habilin ng babaeng customer. May nakitang envelope ang rider at kinuha naman daw nya ito. Noong una ay hindi naman sya nagulat dahil madalas na daw sa mga ibang customers ang pagbibigay ng tip. Sa hindi kalayuan at binuksan ni Muhammad Faris Faizul ang envelope. Laking gulat nito sa napakalaking halaga ng pera na RM1,000 ($250 or Php12,150).

Sa simula ay nagdadalawang isip pa ang rider dahil baka umano isang prank lamang ang ginawa ng babae. Kaya agad na itong tinanong sa isang chat kung para sa kanya ba talaga ang perang iyon.

“Yes, brother. It is your rezeki. Pray for me to get a child and share it (the tip) with your friends, okay? Tell them to pray for me so that I can conceive a child quickly,” reply umano ng babae sa kanya.

Marahil ang ganon na lamang ang pagnanais ng babae na magka-anak kaya nya nagawang makapagbigay ng malaking tip para lamang tulungan syang ipagdasal na magkaroon ng anak