Antonette Gail del Rosario Umalma Sa Mga Basher Na Bumabatikos Sa Itsura Ng Nobyong Si Whamos

Matapang na ipinagtanggol ni Antonette Gail del Rosario ang kaniyang nobyong si Whamos Cruz sa mga netizens na patuloy na lumalait sa hitsur...

Matapang na ipinagtanggol ni Antonette Gail del Rosario ang kaniyang nobyong si Whamos Cruz sa mga netizens na patuloy na lumalait sa hitsura ng vlogger.

Sa panayam sa kaniya ng KAMI, tinalakay nila ang tungkol sa mga haters at b4shers ni Whamos.Ayon kay Antonette, hindi tama na laitin ang pisikal na kaanyuan ng kaniyang nobyo. 

Saad pa niya, kung pagbabasehan daw ang pisikal na hitsura ay nagbabago naman ito pagdating ng panahon ngunit ang pagiging mabubuti at pagkakaroon ng busilak na puso ay mananatili habang buhay.

 

Paliwanag pa ni Antonette, nakatuon daw ang pansin nila ni Whamos sa pagiging mabuting tao at pakikipagkapwa tao na maging mabait sa kahit na sino pa ang kanilang makasalamuha.

Saad pa ng dalaga, sana daw ay bago manghusga ang mga tao ay siguraduhin muna nilang perpekto sila.

 

Ani ng dalaga,

"Sa mga bashers ni Whamos actually puro physical appearance yung inaano nila kay Whamos. Sakin yung physical appearance nagbabago yan.

"Pero once na yung kabutihan mo yung pinairal mo sa maraming tao mas lalo kapang i-be-bless ni God at mas marami kapang taong makikilala. Sana sa susunod bago sila mang husga make sure na perfect sila."

Matatandaan na naging laman ng usapin sa social media si Whamos noong ipakilala niya ang kaniyang girlfriend na si Antonette Gail sa publiko. Ang kanilang love story daw ay nagsimula nang minsang ginaya ni Antonette Gail ang isa sa mga sayaw ni Whamos sa kaniyang TikTok account.

 

Para naman kay Antonette Gail, hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuan para sa kaniya dahil ang mas mahalaga ay ang pagkakaroon ng mabuting puso. Ayon sa kaniya, nahulog daw ang loob niya sa vlogger noong makita niya ang mga ngiti nito, ang pagiging natural nito sa pagpapatawa, at higit sa lahat kung gaano kabuti ang puso nito na palaging handa sa pagtulong sa kapwang nangangailangan.