LOOK: Walk-in closet ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, mapagkakamalan mong isang mini mall

Hindi nakakapagtaka na may sari-sariling walk-in closets sa kanilang three-story multimillion-peso Forbes Park mansion ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Kung sa karamihan ay cabinet lang ay ok na, aba ibahin niyo ang mag-asawang Pacquiao.

Sa YES Magazine ay ipinasilip nga ng mag-asawa ang napaka-granidosong walk-in closet nila. Na dalawa lang sa mga special rooms sa kanilang mansyon.

Sa walk-in closet ni Jinkee makikita na puno ito ng magarbong mga gamit. Sa sobrang laki at lawak nito ay pwede na itong gawing isang bedroom.

At mapagkakamalan din na isa itong fashion boutique.

Mayroong kabinet na talaga naman safe na safe ang gamit  dito na may maganda at mamahaling disenyo. Sa gitna naman makikita ang mamahaling kwintas at iba pang gamit para madali lang kunin kung kinakailangan ni Jinkee.

Hindi lang yan, mayroon din siyang malaking television na maaring tambayan ng kanyang mga bisita. Meron din siyang couch at hermes na unan pati na din snack bar.

Mayroon din siyang sariling makeup room sa loob ng kanyang walk-in-closet. Sariling cabinet ng kanyang samu’t sari at mamahaling eyewear.

Meron din siyang central island sa likod ng isa sa mga cabinets niya kung saan naka-arrange ang kanyang mga mamahalin at kumikinang na mga alahas at easy access station din para sa kanyang mga gadgets.

Mayroon ding sariling shampoo chair si Jinkee na ready para sa kanyang hair treatments.

Sa walk-in closet naman ni Manny ay mas simpleng tignan unlike ng sa kanyang misis. Makikita ang collection niya ng mga branded shoes.

Pati na rin ang napakagandang pagkaka-ayos ng kanyang mga damit. May sliding door at island storage para sa kanyang accessories.

Ang sarap din sa matang pagmasdan ang napaka-organisadong pagkaka-ayos ng kanyang mga neck ties at belts.

Kung nakaka angat talaga sa buhay ay magkakaroon ka ng gusto mong napakagandang walk-in closet.