Hindi mo aakalain ang isa sa mga pinakamatandang babae sa ating bansa ay guro pala dati ni Gloria Romero.

Ang buhay ng tao ay hindi talaga pang matagalan, hindi natin nasasabi kung hanggang kelan na lang tayo dito sa mundo. Ngunit, sabi nga nila kung mayroon daw na nawawala ay mayroon din namang dumadating na kapalit. Kaya naman isang masayang pagkakataon ng maituturing na makitang muli ang taong matagal mo ng hindi nakikita at sa hindi inaasahang panahon pa.

Kagaya na lang ng isang 100-years old na Lola na nag-viral matapos mag-attend ng kanilang virtual reunion. Siya ang Lolang kinilalang si Lola Virgie Malay, at napag-alaman pang siya pala ang dating guro ng beteranang aktres na si Gloria Romero.

Ang aktres na si Gloria ay 88-taong gulang na sa darating na December 16, sa kanyang edad talagang nakakamangha na makikita niya pang muli ang kanyang guro. Ang ganitong pagkakataon ay bibihira lamang, dahil ang buhay ng tao ay hindi naman pang-matagalan.

Kaya naman, maraming mga netizens ang labis na natuwa sa muling pagkikita ni Gloria at ng kanyang guro. Sa kanilang mga edad, mapapansin na pareho pa silang malakas, malusog at aktibo pa ang pag-iisip dahil agad nilang nakilala ang isa’t isa.

Makikita rin sa kanilang mga larawan na sila ay masaya sa kanilang muling pagkikita at tila nag-eenjoy din silang kausapin ang isa’t-isa kahit ito ay virtual lamang. Sino nga namang mag-aakala na matalas pa ang memorya ni Lola Virgie dahil nakilala at natandaan pa niya ang kanyang estudyante noon.

Masaya naman si Lola Virgie, dahil mabait sa kanya ang Diyos at binigyan siya ng pagkakataon na makita pa isa sa kanyang dating estudyante na malayo na rin ang narating sa buhay.

Nakakatuwa lamang isipin na sa tinagal-tagal ng panahon ay muli pa silang magkikita kahit na sila ay may edad na.