Mariel Padillla aminadong kailangan magtrabaho para mabili ang kanyang mga luho

Inamin ni Mariel Padilla na kailangang niyang kumita ng sariling pera para mabili niya ang kanyang mga luho.Nakapanayam si Mariel ni Ogie Diaz sa YouTube channel ng talent manager at entertainment columnist.“TOTOO ba ‘yung balita na kaya ka nagla-live selling ay para makatulong kay Robin Padilla dahil nga tumatakbo siyang senador?” pambungad na tanong ni Ogie kay Mariel.“Yes, most of ‘yung kinikita ko talaga ipinangbibili ko ng tarp (tarpaulin), pinangpapagawa ko ng t-shirt,” diretsang sagot naman ni Mariel.Napag-usapan din nina Ogie at Mariel ang pagiging generous o giving ni Robin sa tao. At hindi raw ito pinipigilan ng asawa niya.Ikinwento din ni Mariel ang pagpapaliwanag niya sa kanilang mga anak tuwing wala ito sa kanilang bahay.“Financially pag sinabing dito mag-aaral sa mga ano, ibinibigay niya iyon sa mga anak niya. It was my choice of school and ‘yung everyday when he is not home I always explain to the kids, ‘daddy is working so that we can have food.’  At that age ini-explain ko sa kanila kasi siyempre hinahanap nila ‘yung tatay nila. He is a good father, so, hindi ako puwedeng magreklamo.Aminado naman si Mariel na hindi naibibigay ni Robin ang kanyang mga luho. Kinakailangan daw niyang magtrabaho para sa mga wants niya na pang sarili. Pero naiintindihan naman da niya yun.“Kaya ako nagtatrabaho para ‘yung mga sarili kong luho mabibili ko kasi hindi naman ako bibilhan ni Robin Padilla ng mga luho ko which is fine because ‘yung necessity namin, kanya (pay niya), ‘yung everyday (gastos), pa-aircon favorite ng mga anak ko mana sa nanay (sabay turo sa sarili)..”Ipinagdiinan naman ni Mariel na walang siyang dapat i-demand dahil sinisiguro naman ng mister niya na okay ang mag-iina niya.See more