Barbie Imperial, inaming naalala ang ama tuwing iniiwan ng mga nakakarelasyon!

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang kanyang nadarama tuwing dumadaan sa break-up.

Naging guest si Barbie sa online talk show ni Toni Gonzaga na Toni Talks sa YouTube. Dito ay pinagkwentuhan nila ang pinagdaanan ng dalaga sa buhay.

Nagsimula sila sa usapan bago pa pumasok ng Pinoy Big Brother noon si Barbie. Hindi naman kaila sa publiko na galing din sa hirap ang kanilang pamilya.

Ayon kay Barbie pinili niya daw maging malakas para sa kanyang pamilya. At ang iahon sa hirap ang kanilang kabuhayan ang nagbigay inspirasyon sa kaniya para magsipag sa pagtatrabaho.

Lumaki kasi si Barbie na walang ama at nanay niya lang ang kanyang naging sandigan. Pag-amin ng aktres, ang kanyang ina ang pinaka pinagkakatiwalaan niyang tao.

Hanggang sa napunta na ang usapan nila sa mga pinagdaanang break up ni Barbie. Ayon sa aktres tuwing nagkakaroon siya ng karelasyon ay naiisip niya ang kanyang ama.

Dahil ang akala niya ay tuwing magkakaroon siya ng nobyo ay mapupunan nito ang pagmamahal na hindi naibigay ng kanyang tatay.

Pero aminado si Barbie na mali siya sa bagay na iyon ngunit hindi niya maiwasan na ito ang isipin. Dahil sa sobrang pangungulila sa fatherly love.

Panoorin dito ang kabuuan ng kwentuhan nila ni Toni: