Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, hayagan na ang pag-amin ng kanilang tunay na relasyon: “Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako”!

Nito lamang May 17, 2022 ay nagdiwang ang singer-actress na si Julie Ann San Jose ng kanyang kaarawan. Isang intimate birthday celebration ang pagdiri

Nito lamang May 17, 2022 ay nagdiwang ang singer-actress na si Julie Ann San Jose ng kanyang kaarawan. Isang intimate birthday celebration ang pagdiriwang ni Julie Ann kasama ang kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Bukod sa mga ito hindi rin pinalampas ng kanyang ka-loveteam at ang kanyang inspirasyon na nagpapasaya sa kanya ngayon na si Rayver Cruz. Sa matagal na usap-usap patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon mukhang nabigyang linaw na ito ngayon. Dahil sa binanggit na pagbati ng dancer-actor at mensahe para kay Julie Ann na,” mahal na mahal kita”.

Hindi na maitatago ito sa nakikitang closeness ng dalawa kaya naman naging sobrang masaya si Rayver dahil nakilala at nakasama niya si Julie Ann.

Aniya pa, “Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls. Maraming-maraming salamat sa lahat tulad nga ng sabi ng lahat na blessings ka sa lahat ng tao, blessing ka for me, you inspire everyone especially me.

“Gusto kong magpasalamat sa family mo kasi nakakabisita ako sa inyo.

“Happy, happy birthday Juls, ang gusto kong sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal.

“Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday”

Ika nga ng iba ay talagang magkaibigan nga daw ang dalawa ngunit kitang-kita sa kilos nila Rayver at Julie Ann ang tunay na kilig nila sa isa’t isa. Mapapansin rin sa kanilang mga Instagram posts ang kanilang sweetness sa kanilang mga jamming sessions.

Ayon pa sa kanilang mga fans tila, “action speaks louder than words.” Wala naman umanong tutol sa tunay na relasyon ng dalawa dahil sa tamang edad naman umano sila kaya naman marahil nabanggit ni Rayver na “maghihintay siya kung kailan ready” na si Julie Ann.