Tingnᴀn ang mga Nagᴀgandahang Larawᴀn ni Ysabella Adriᴀna Larrᴀzabal ang Nag-iisᴀng Anak na Bᴀbae ni Donna Cruz

Kabilang sa mga nakilala sa mundo ng showbiz bilang isang mahusay na mang-aawit na may kahanga-hangang kagandahan ay si Donna Cruz. Kung kaya naman hindi na kataka-takang ang kanyang anak na babae ay maging kasing-ganda rin niya lalo na ngayon na ito ay isa ng dalaga.

Si Ysabella Larrazabal ang nag-iisang anak na babae ni Donna Cruz at ng mister nitong si Dr. Yong Larrazabal isang Cebuano opthalmologist, kung saan siya nga ay mas kilala sa palayaw niyang ‘Belle’, na ayon sa kanyang ina, ay hinango ang pangalan na ito sa napakagandang Disney character na si Belle ng ‘Beauty and the Beast.’

Bata pa lamang si Belle ay makikita na kaagad sa kanyang taglay na kagandahan na ito ay namana niya sa kanyang napakagandang ina, ‘like mother-like daughte’ ika nga.
Makikita sa mga larawan ng mag-inang Donna at Belle ang pagkakahawig ng kanilang mga mata, at maging kung paano sila ngumiti ay talaga namang hawig na hawig.

Nag-iisang babae si Belle sa kanilang tatlong magkakapatid, ngunit siya ang panganay at ang dalawa nga niyang nakababatang kapatid ay sina Cian at Gio na pareho ring mga gwapings.

Hindi lang naman ang kagandahang taglay ni Belle ang hahangaan sa kanya, sapagkat maging sa pagdadala ng kasuotan ay ‘in’ din siya sa pagkakaroon ng ‘sense of fasion’. Sa katunayan noong panahon ng kanyang ‘prom’ ay talaga namang tumingkad ang kanyang ganda at marami ang hinangaan siya sa suot niyang pink gown.

Matatandaan naman na noong buwan ng Oktubre taong 2017 ng maging ganap na isa ng dalaga si Belle matapos niyang ipagdiwang ang kanyang ika-18 taong kaarawan. At tunay na naging napakaganda ng kanyang debut party lalo na at ang tema nito ay kinuha sa mismong pinanggalingan ng kanyang pangalan, kung saan ay ang naging kasuotan pa nga niya ay mismong tulad ng kay Belle sa Beauty and The Beast.

Samantala nagtapos si Belle sa Cebu Doctor’s University, at ng kanya ngang ibahagi ang graduation photo niya ay nilakipan niya ito ng caption na “New chapter ahead.”Sa kasalukuyan ay mas lalo pa namang gumaganda at nagiging blooming bilang isang dalaga si Belle lalo na nga sa kanyang short-hair looks.