Thea Tolentino proud of being able to juggle showbiz career and studies

Thea Tolentino's graduation

It's quite common for Thea Tolentino to head straight to class right after taping. Minsan walang tulog. Minsan walang ligo. 

Sa kabila ng busy schedule ni Thea Tolentino sa showbiz ay naisabay niya ang pag-aaral sa kolehiyo.

Ano ang pakiramdam ng isang graduate?

Sabi ng 25-year-old actress sa email interview niya for PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 20, 2022, "Masarap sa pakiramdam dahil achievement siya para sa akin.

"Napagsabay ko ang dalawang bagay na importante sa akin. Nahirapan man ako sa schedule, pero worth it."

Taong 2020 pa siya nag-graduate virtually, pero nitong Abril lamang sila nagkaroon ng graduation picture.

Ipinost ni Thea ang milestone niyang ito sa social media, kung saan din niya pinasalamatan ang "family, friends, schoolmates, and profs."

Bahagi ng kanyang post ay, "Ngayon ko lang na-feel na talagang graduate na ako.
And yes, minsan talaga from taping na natatapos ng 6 am dati, deretso sa 7:30 am class."

Sa kalakip na larawan, sinulat niya sa whote board ang (published as is), "Grumaduate ng walang ligo galing taping pero fresh pa rin."

Sa June 25, 2022, magtatapos si Thea sa kursong Business Administration major in Public Administration sa Trinity University in Asia.

After her college graduation ano ang plano niya?

"Sa totoo lang, gusto kong maka-experience ng trabaho na labas sa acting, pero so far, nahihirapan ako maghanap dahil sa schedule.

"Wala kasing fixed schedule ang taping so nahihirapan ako maghanap ng trabaho na papayag at kaya na pagsabayin ko ang pag-arte at pagtrabaho."