Dennis Padilla, ibinahagi ang post na nakalimutan daw siyang batiin ng Father’s day nina Julia at Claudia Barretto

Iba ang lungkot na naramdaman ng aktor na si Dennis Padilla sa araw ng Father’s day noong June 19, 2022. Bukod kasi sa hindi nila pagkikita ng kaniyang mga anak sa kaniyang ex partner na si Marjorie Barretto, hindi rin niya ito inaasahan na hindi siya batiin ng ‘Happy Father’s day’ sa araw na iyon.


image courtesy: Instagram/dennisastig

Dahil na rin sa bugso ng kaniyang damdamin ay hindi napigilan ng aktor na si Dennis Padilla na ibahagi ito sa kaniyang social media account sa pamamagitan ng pag-post ng isang cryptic message patungkol dito.

Sa kaniyang instagram post, ibinahagi ni Dennis ang isang throwback photo kasama ang kaniyang lalaking anak na si Leon Barretto habang may nakasaad sa caption nito na talaga namang naging usap usapan pagkatapos.
image courtesy: Instagram/dennisastig

“Leon, You forgot to greet me last sunday… hehe… Love you ingat”, ito ang mensahe ng aktor sa kaniyang post.

Samantala, pagkatapos nito ay isang post nanaman ang kaniyang ibinahagi kung saan ipinakit niya ang litrato nila ni Julia Barretto at Claudia Barretto na mayroon din mensahe sa kanilang dalawa.
image courtesy: Instagram/dennisastig

“Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… hehe! Love you… God bless you more” ito ang caption ng aktor.


image courtesy: Instagram/dennisastig

Dahil sa bilis ng mga netizens sa chismis ay agad naman nilang na-i-screenshot ito kaya naman marami na ang nakakita sa kaniyang cryptic post.


image courtesy: Instagram/claudiabarretto

Matapos ang kaniyang deleted posts ay sinundan pa ni Dennis ng isang post kung saan ipinakita nito ang litrato ng kaniyang ibang anak sa ibang partner na sina Gavin, Maddie, Luis at Diane na sabay ang pasasalamat niya sa mga ito dahil binati siya sa araw ng Father’s day.


image courtesy: Instagram/dennisastig

Umani ang controversial post ni Dennis ng maraming komento sa mga netizen. Ang ilan ay nagsasabi na hindi na raw nito kailangan pang i-post o ibahagi pa kung nagkulang ang kaniyang mga anak sa pagbati sapagkat marami naman daw ang araw na maaari nilang ipakita ang pagmamahal sa Ama. Samantala, ang ilan ay nalulungkot din para sa aktor dahil importante ang araw na ito upang ma-acknowledge ang pagiging isang Tatay sa mga anak.