Nursing graduate na si John Marcelino Rosaldo ibinahagi ang kanyang tr4umatazing experience sa graduation day

Isiniwalat na ni John Marcelino Rosaldo ang buong pangyayari sa tr4umatizing graduation ng kanyang batch.

Kamakailan nga lamang ay nag-viral ang kwento ni John. Nang ibahagi ng kanyang kapatid sa social media ang kaganapan noong June 23, araw ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

Si John ay nursing graduate mula sa Lorma Colleges, La Union, na hindi raw pinagmartsa sa graduation ceremonies.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Jon na si Celena pinaalis ang kanyang kuya mula sa pila ng mga graduates na aakyat sa entablado dahil hindi na-confirm ang kanyang payment ng graduation fee sa halagang PHP2,750.

Sa Facebook post naman ng former actress na si Joy Ortega. Na elected board member ng District 1 ng La Union. Idinetalye ni John ang pangyayari sa kanyang two-page official statement.

Lumalabas na nagkaroon ng miscommunication kaugnay ng graduation fee. Tanghali raw ng June 22, ipinadala ni John ang kanyang bayad sa bank account ng school via GCash.

Hindi raw agad nabasa ni John, na noon ay nasa clinical duty, ang message ng accounting office na hinihingi ang screenshot ng proof of payment niya.

Kaya gabi na ng maipadala niya ang resibo, panatag naman daw siya na hindi na magkaka-aberya. Ngunit kinabukasan ay doon na nga nangyari ang hindi niya malilimutang araw sa kanyang buhay.

“Our names were called and our photos were shown on the screen but we were not allowed to go up on stage to receive our diploma and have that ‘significant’ photo-op,” ani John.

Nakaramdam daw si John ng “sadness and humiIiation.”

Dakong 10:00 a.m., matapos ang diploma distribution, pinabalik na sila sa kanilang upuan.