Jane sumabit sa jeepney

Litaw na litaw pa rin ang ganda ng “Darna” star na si Jane de Leon kahit pa sumabit siya sa jeepney matapos niyang makipag-bonding sa mga jeepney drivers at commuters sa Guadalupe, Makati.

Ipinost sa Twitter ng JRB Creative Production, ang production unit na may hawak sa “Mars Ravelo’s Darna,” ang picture ni Jane matapos nitong subukang sumabit sa jeep. Kasama ni Jane ang Darna co-stars niyang sina Mac Manicad at LA Santos para sa unang leg Ng #DarnaAll tour ng programa.

Ayon sa caption ng post, “Maraming Salamat sa mga Kapamilya nating jeepney drivers sa Guadalupe, Makati na naki-Darna kasama si Jane De Leon, Mac Manicad at LA Santos! #DarnaAll

“Abangan ang susunod na paglipad ni #Darna sa inyong lugar!”

Mapapanood ang “Mars Ravelo’s Darna” mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Cinemo at iWantTFC. (GLEN P. SIBONGA)